Maynilad labada tips kontra El Niño

11990462_442001759316708_2047113975644021361_n
Photo courtesy from en.wikipedia.org


LUNGSOD QUEZON, 13 Setyembre (PIA) – Muling nagbigay ng paalala ang Maynilad Water sa publiko na magtipid sa paggamit ng tubig sa harap ng napipintong kakapusan sa supply nito bunga ng magiging epekto ng El Niño.


Payo ng Maynilad, iwasan ang paglalaba araw-araw. Kung maaari, ipunin ang mga maruruming damit at maglaba nang sabay-sabay upang makatipid sa tubig.


Ilan sa mga paraan na isinasagawa ng Maynilad upang maibsan ang epekto ng El Niño ay ang pag-aayos ng mga sirang linya ng tubig at pagpapahaba ng operating hours sa mga pumping stations. (MAYNILAD/RJB/JEG/PIA-NCR)

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *