Maynilad, nag-abiso ng posibleng extension ng water service interruption sa ilang lugar
Ilang lugar ang posibleng makaranas pa ng water service interruption extension na aabot sa 5 hanggang 14 oras.
Sa advisory ng Maynilad water services, ito ay dahil sa problemang nakita nila sa ginagawang pipe realignment.
Ayon kay Maynilad Water Supply Operations Head Engr. Ronald Padua, kinailangang magkaroon ng pagbabago sa execution scheme para matiyak na stable pa rin ang area na nakapalibot sa trench.
May kalaliman aniya ang trench kaya mula sa orihinal na plano na isang hati sa tubong ilalatag sa trench, gagawin itong 3 upang unti-unti ang maging pagbaba ng bagong tubo.
Partikular aniya na makararanas ng extension sa water interruption ang ilang customer sa Parañaque, Makati, Pasay at Maynila.
Tiniyak naman ng water concessionaire na patuloy silang magde-deploy ng 65 mobile water tankers kasama ang tankers mula sa ilang LGU at local fire bureau upang makapag-deliver ng tubig sa mga apektadong customer.
Mga apektadong barangay at kani-kanilang updated interruption schedule:
Nagsimula ang water service interruption noong Biyernes, Oct. 29 at inaasahang matatapos sa Martes, Nov. 2.