Maynilad Water Service Inc., handang makipagdayalogo sa gobyerno kaugnay ng kanilang Concession agreement
Handa ang Maynilad Water na makipagdayalogo sa gobyerno kaugnay ng ginagawang review ng gobyerno sa kanilang Concession agreement.
Sa harap ito ng pahayag ng Department of Justice (DOJ) na dehado ang gobyerno sa kasunduan sa mga Water concessionaires.
Ayon kay Maynilad Water President at CEO Ramoncito Fernandez hinihintay lang nila ang official communications mula sa Malacañang.
Nilinaw naman ni Fernandez na minana lang ng Metro Pacific Investment Corporation ang concession noong 2007.
Ibang kumpanya aniya ang lumagda noon sa kontrata nang mai-award ito ng gobyerno noong 1996.
Nauna nang ipinag-utos ng Pangulo ang pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kontrata at inakusahan ang mga Water Concessionaires na pinagkakitaan ng bilyon-bilyong piso ang mga customers dahil ginawa ng commodity ang water supply sa halip na public service.
Ulat ni Meanne Corvera