Mayon Volcano, oobserbahan sa loob ng 2 linggo para sa posibilidad ng pagbaba sa Alert level 2
Muling isasa-ilalim sa 2 linggong pagsusuri at closed monitoring ang Mayon Volcano matapos ibaba ang status nito sa Alert Level 3.
Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum, oobserbahan nila kung magtutuluy-tuloy ang “downward trend” ng mga parametrong kanilang binabantayan.
Hangga’t lumalabas ang lava mula sa bunganga ng bulkan, nangangahulugan ito ng patuloy na magmatic activity.
Samantala, hindi naman inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na ibalik sa Alert Level 4 ang status ng Bulkan sakaling magkaroon ng Resurgence o muling pagtaas ng aktibidad ng Bulkan na malayo pang mangyari sa kasalukuyan.
=============