Mayor Honey Lacuna nag-ikot sa mga tanggapan sa City Hall
Sa kabila ng pagpapalit ng administrasyon sa Maynila, tuloy parin ang malawakang bakunahan sa lungsod kontra Covid 19.
Kabilang rito ang 1st at 2nd primary dose vaccination para sa mga nasa edad 5 pataas.
Maging ang 1st booster shot vaccination sa mga nasa edad 18 pataas, at 2nd booster sa mga nasa A1 hanggang A3.
Sinimulan na rin ngayong araw ng Manila LGU ang booster vaccination sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.
Pero paalala, ang para sa mga immunocompromised, ginagawa ang bakunahan sa 6 na district hospitals sa Lungsod at para sa non immunocompromised na menor de edad naman ay sa 44 na health centers at 4 na mall sites sa Maynila.
Samantala, sa kanyang unang araw naman bilang alkalde ng Maynila, nag ikot sa iba’t ibang tanggapan sa City Hall si Mayor Honey Lacuna.
Ilan sa kanyang binisita ay ang tanggapan ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, DILG-Manila, City General Service Office, at maging Manila Clock Tower Museum.
Madelyn Villar-Moratillo