Mayor Isko Moreno, nakipagpulong na sa mga kinatawan ng SpaceX para sa advanced broadband internet system ng Maynila
Nakipagpulong na si Manila Mayor Isko Moreno sa mga kinatawan ng SpaceX Company ni Elon Musk para sa pagbili ng starlink low orbit satellite ng lungsod.
Layon ng proyekto na ito na mapalakas ang internet system sa Maynila na kapag naisakatuparan ay kauna unahang lungsod sa South East Asia na gagamit ng Starlink na kilala bilang most advanced broadband internet system sa mundo.
Ayon kay Moreno, 800 unit ng satellite dish ang target nilang ilagay sa 896 barangay sa buong Maynila.
Maglalagay rin sila nito sa mahigit 100 elementary at secondary schools, at 2 kolehiyo at 7 district hospitals sa lungsod.
Maglalagay din aniya sila sa mga istasyon ng pulisya at headquarters ng Manila Poice District.
Ayon sa alkalde, one time lang ang bayad para sa bawat dish na nagkakahalaga ng 500 US Dollars.
Sakaling maisakatuparan malaking tulong ito ayon kay Moreno dahil kahit may kalamidad na dumating hindi mawawala ang signal ng komunikasyon.
Matapos ang nasabing pulong, biyaheng Mindanao ulit si Moreno.
Ngayong hapon, ipagpapatuloy ng Team Isko ang pag-iikot sa Cagayan de Oro.
Kahapon ay naging mainit ang pagtanggap ng mga taga Cagayan kay Moreno na kahit inulan ng malakas ang grand rally ng Team Isko, hindi sila umalis.
Bukas, sa bahagi naman ng Lanao del Norte mag-iikot ang Team Isko.
Maliban sa motorcade at town hall meetings, makikipagpulong rin sila sa mga lokal na opisyal roon at kay Governor Imelda Dimaporo.
Madz Moratillo