Mayorya ng local cases ng Delta variant, nasa NCR
Sa National Capital Region naitala ang pinakamaraming bilang ng local cases ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, sa NCR mayroong 146 Delta cases ang naitala kung saan 4 rito ay aktibong kaso pa.
Sumunod naman sa may pinakamaraming kaso ay sa Region 4A o Calabarzon na may 47 Delta cases, Region 3 na may 39 cases, 37 sa Region 7, 36 sa Region 6, 22 sa Region 10, may 11 sa Region 8, 6 sa Region 11, 5 sa region 1, 3 sa Region 9, tig iisa naman sa Regions 2, 5, at Cordillera Administrative Region.
Ang 69 na iba pang Delta cases ay Returning Overseas Filipinos habang bineberipika naman ang 26.
Ayon sa DOH, sa ngayon 13 sa 450 Delta cases na naitala sa bansa na lang ang aktibong kaso habang may 10 ang nasawi.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, mayorya o 55% ng naitalang Delta cases ay lalaki at ang age range ng mga tinamaan ng variant na ito ay mula 1 hanggang 84 taong gulang.
Sa mga tinamaan ng Delta variant dito sa bansa, 35 ang fully vaccinated, 17 ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Ang 83 naman ay hindi pa bakunado, habang inaalam naman ang vaccine status ng 315.
Madz Moratillo