Mayorya ng mga healthcare worker sa Ospital ng Sampaloc ayaw pang magpaturok ng Sinovac vaccine
Mayorya ng mga healthcare worker sa Ospital ng Sampaloc sa Maynila ang hindi pa umano handang magpaturok ng COVID- 19 vaccine ng Sinovac ng China.
Ayon kay Dr. Aileen Lacsamana, OIC Director ng Ospital ng Sampaloc, 80 percent ng kanilang healthcare workers ang hindi pa handang magpaturok ng Sinovac vaccines.
Ngayong araw, sinimulan na ang pagbabakuna sa healthcare workers ng Sta. Ana Hospital sa Maynila.
Ayon kay Manila Health Department Chief Dr. Arnold Pangan, 200 ang target nilang mabakunahan sa Sta Ana Hospital.
Pero araw araw naman aniya ang pagbabakuna hanggang maubos ang inisyal na dosage na ibinigay sa kanila ng DOH.
Madz Moratillo