Mayorya ng mga Senador hindi kumbinsido sa Tax Reform Package ng administrasyon
Muling ipapatawag ng Senado ang mga economic managers ng Pangulo para pagpaliwanagin sa isinusulong na tax reform for acceleration and inclusion o train ng Duterte administration.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, marami kasi sa mga Senador ang tutol sa panukalang patawan ng excise tax ang produktong petrolyo, sugar sweetened beverages at pagtanggal ng vat exemption sa ilang goods and services kabilang na ang low cost housing.
Ayon kay Angara, magko-convene na ang Senado bilang Committee of the Whole para malaman ang pulso sa panukala ng administrasyon.
Kapwa naninindigam sina Senador JV Ejercito at Sherwin Gatchalian na may epekto sa presyo ng bilihin at serbisyo kapag nagpataw ng panibagong pagbubuwis.
Sa halip na train, pinag aaralan anila ngayon ng Senado na magpasa ng bagong Comprehensive Tax Package.
Ulat ni: Mean Corvera