MECQ, extended hanggang Mayo 14, 2021
Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte hanggang Mayo 14, 2021 ang ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa National Capital Region (NCR) plus areas na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal,
Sa kanyang lingguhang Talk to the People on COVID-19, ipinaliwanag ng Pangulo na ang pananatili ng MECQ ay upang maiwasan ang pagtaas pa ng bilang ng mga nahahawa sa COVID-19 virus.
Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Duterte sa publiko na palaging sumunod sa ipinatutupad na minimum public health standards.
Inatasan rin niya ang lahat ng local government units (LGUs) na mahigpit na ipatupad ang health protocols lalo na sa mga barangay.
Hinihikayat din ng Chief Executive ang lahat na magpabakuna upang magkaroon ng mas malakas na proteksyon laban sa virus.
Sa kabila nito, inamin naman ni Secretary Carlito Galvez na may delays sa pagdating sa bansa ng mga bakuna dahil sa mga problema sa logistical requirements, subalit tinitiyak pa rin nito na magkakaroon ng sapat na suplay ng bakuna pagsapit ng second at third quarter ng taon kasabay ng pagbaba ng global demand para sa COVID-19 vaccines.