Medical frontliners priority sa voter registration -Comelec
Sa gitna ng nagpapatuloy na voter registration, nagpaalala ang Commission on Elections na dapat bigyang prayoridad sa pagpaparehistro ang mga medical frontliner kagaya ng mga doctor, nurse, medical technologist at hospital workers.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, kung ikaw ay isang medical frontliner ay ipaalam lang ito agad sa comelec staff o personnel para agad mabigyan ng prayoridad sa pagpaparehistro.
Nilinaw naman ni Guanzon na priority rin sa pagpaparehistro ang mga matatanda, person with disabilities at mga buntis.
At dahil hindi pa tapos ang banta ng COVID-19, patuloy naman ang paalala ng poll body sa publiko na sa pagpunta sa Comelec offices ay tiyaking may suot na face mask at face shield at sumunod sa physical distancing.
Ang voter registration ay bukas mula Lunes hanggang Huwebes , 8am hanggang 3pm.
Ang araw ng Biyernes ay inilaan kasi para sa disinfection ng Comelec offices.
Madz Moratillo