Medical scholarship program para tugunan ang shortage ng mga doktor sa bansa, isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas para magtatag ng medical scholarship program para solusyunan ang pagkaubos ng mga doktor sa bansa.

Sinabi ni Angara na nahaharap sa matinding problema ang Pilipinas dahil unti-unti nang nauubos ang Geriatricians o mga Medical doctors na tumutugon sa healthcare needs ng mga nakatatanda.

Katunayan, sa datos ng retirement ang healthcare coalition, umaabot lang sa 140 ang mga Geriatrics doctors para sa may walong milyong mga Senior citizens sa buong bansa.

Sa Senate Bill 1157 ni Angara, maglalaan ng pondo ang gobyerno para magkaroon ng Medical scholarship program para matiyak na magkakaroon ng mga doktor sa bawat komunidad.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *