Medical screening o examination na kailangang gawin ng isang babae, hindi dapat na ipagwalang bahala – ayon sa eksperto
Napakaraming mga uri ng sakit ang nararanasan ng isang tao, kaya naman, mahalagang iniingatan ang ating katawan.
Ayon sa mga eksperto, ang mga sakit ay maiiwasan kung ang kalusugan at katawan ay iingatan.
Sa panig ng mga kababaihan, sinabi ni Dra. Hermie Maglaya, OB-Gynecologist mula sa East Avenue Medical center na ang mga uri ng screening para sa mga kababaihan ay hindi dapat na ipagwalang bahala.
Dra. Hermie Maglaya:
“Unang unang ay ang pagkakaroon ng yearly pap smear, hindi naman po kailangan i-ultra sound lahat, pero ung pagkakaroon natin ng baseline examination by cervical screening, pangalawa breast screening and pangatlo uung pagkakaroon ng internal examination para malaman po natin kung normal ba ang ating reproductive organs, wala pong bukol, at wala pong nakikitang abnormality ung duktor and kung may makita man po, huwag matakot kasi ikinu-confirm naman yun using diagnostics.”
Sinabi pa ni Dra. Maglaya na kung may nakitang bukol, huwag din agad matakot dahil hindi naman lahat ng bukol ay kailangang tanggalin, kasi ang iba ay maaaring hormonal condition lamang at kung may sintomas ay mabibigyang solusyon naman kung kaya mahalagang it o ay ikunsulta sa isang eksperto.
Ulat ni Belle Surara