Medical Tourism sa bansa, dapat palakasin….Pilipinas mayroong mga mahuhusay na Aesthetic Surgeon at Dentista

Tuluy-tuloy  ang pagsusulong ng Medical Tourism sa Pilipinas.

Sa katunayan, sa panayam ng programang Usapang Pagbabago, sinabi ni Joyce Socao-Alumno, President and CEO ng Health core international, itinayo ang health core para tulungan ang mga ospital sa bansa na mai-upgrade ang mga standards.

Mahalaga aniya na mapalakas ang Medical tourism lalu na sa mga dayuhang nagtutungo sa bansa na ang pakay ay hindi lamang mamasyal sa mga magagandang lugar sa bansa kundi naghahanap rin ng tugon sa kanilang mga karamdaman.

Binigyang-diin ni Alumno na ang Pilipinas ay maraming mga mahuhusay na Aesthetic surgeon at dentists.

Isa pa aniya sa bentaha ng Pilipinas pagdating sa Medical Tourism ay ang pagiging English-speaking nating mga Pinoy, maalaga at maasikaso.

Idagdag pa dyan ang pagiging Tropical at warm climate ng Pilipinas at low-cost of living na pabor sa mga dayuhan at mga Filipino retirees abroad.

HIndi rin aniya pahuhuli ang ilang mga ospital sa bansa na kinikilala at accredited ng mga International bodies.

“Isang competitive advantage ng Pilipinas ay ang pagiging English-speaking kaya ito nga ang isinusulong natin kasi ang mga Pilipino yung pag-aalaga natin naturally ay iba talaga kumpara sa ibang lahi. Iba raw yung smile natin, yung haplos natin at bukod pa dun yung communication is very important. So ito yung competitive advantage ng Pilipinas na gusto nating i-highlight when it comes to medical tourism”.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *