Medvedev pasok na sa ATP Toronto semi-finals
TORONTO, Canada (AFP) – Pasok na sa ATP Toronto semi-finals si Daniil Medvedev, matapos malusutan ang dalawang tiebreakers at talunin si Hubert Hurkacz, sa score na 2-6, 7-6 (8/6), 7-6 (7/5).
Ang Russian world number two ay dinaig ng Polish player sa opening set, subalit nakabawi si Medvedev at tinapos ang laro sa pamamagitan ng kaniyang ika-22 ace sa match point.
Tila “revenge” ito ni Medvedev laban sa world number 13 na si Hurkacz, na tumalo sa kanya sa five-set game sa Wimbledon.
Ayon kay Medvedev . . . “It was a super-tough match, he was on top of me for many moments. He was playing amazing and I’m happy to get through.”
Agence France-Presse