Meg Ryan at John Turturro, pararangalan sa Sarajevo Film Festival
Inihayag ng festival organizers, na pararangalan sa Sarajevo Film Festival (SFF) ang Hollywood star actors at directors na sina Meg Ryan, John Turturro at Alexander Payne para sa kanilang kontribusyon sa pelikula.
Actor John Turturro arrives for the 47th International Emmy Awards in New York City, U.S., November 25, 2019. REUTERS/Andrew Kelly/File Photo
Ang Honorary Heart of Sarajevo award ay ipagkakaloob din sa Palestinian director na si Elia Suleiman.
Ayon sa SFF, ang mga tatanggap ng award ay dadalo sa screening ng pinakapopular nilang mga pelikula, ipiprisinta ang pinakabago nilang mga produksiyon at magsasagawa ng masterclasses sa panahon ng 30th edition ng festival, na gaganapin mula Aug. 16-23.
Ang SFF ay itinatag sa pagtatapos ng Bosnian war noong 1992-1995 ng isang grupo ng mga mahilig sa pelikula, at mula noon ay sinuportahan na ito ng mga taga industriya mula sa magkabilang panig ng mundo.
Sinabi ni SFF Director Jovan Marjanovic, “It was a ‘great privilege’ to be able to bring such industry figures to Sarajevo and connect them with young people from the region. These are the ties that last and we see the people returning, enabling the festival to grow and develop.”
Ang world premiere ng “My Late Summer” ng Bosnian Oscar-winning director na si Danis Tanovic ang magbubukas sa festival, na magpapalabas ng kabuuang 240 mga pelikula ngayong taon.
Ipiprisinta ni Ryan ang isang espesyal na screening ng kaniyang 1998 hit romantic comedy na “You’ve Got Mail” sa open-air cinema na kayang mag-accommodate ng 2,000 viewers, maging ang pinakabago niyang directorial effort, ang “What Happens Later” kung saan siya rin ang bida.
Limampu’t apat na mga pelikula mula sa southeastern Europe, Ukraine at southern Caucasus ang maglalaban-laban sa apat na selections – features, short films, documentaries at student films – para sa Heart of Sarajevo award, kabilang ang 19 na world premiers.
Sinabi ni Marjanovic, “What unites all these countries is that they are actually the periphery, both geopolitically and culturally.”
Aniya, “So the Sarajevo Film Festival has positioned itself as the centre of all these cinematographies, their window to the world to some extent, a platform for their mutual cooperation and the cooperation with the rest of the world.”