Mega vaccination hub sa Taguig City, isa sa mga binisita ng Israel medical experts
Masayang tinanggap ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga representante ng Israel medical experts sa kanilang pagbisita sa vaccination site na Lakeshore Vaccine Training and Information Center Mega Vaccination Hub ng lungsod.
Kasama sa nasabing site visit sina National Task Force (NTF) testing Czar Vince Dizon, DOH Sec. Francisco Duque III, Health Undersecretary Myrna Cabotaje at Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang Israeli delegation ay kinabibilangan nina Mr. Avi Ben Sakin, Deputy Director General of the Ichilov Medical Center, Ms. Dafna Segol, Cosultant of Health Care Policy of Innovation, Mr. Adam Segal, Logistics and Operation Manager of Solomon Levid and Einstein Ltd. at Mr. Nir Balzam, Deputy Chief of Mission of the Embassy of israel.
ibinahagi ng mga ito ang best practices para sa vaccination rollout at ipinaliwanag ang pag develop at pangangasiwa sa data management at ang kanilang kaalaman sa cold chain at logistics management maging ang kanilang expertise para sa actual deployment ng Covid-19 vaccines.
Samantala, pinasalamatan at pinuri naman ni Mr. Segal ang Taguig LGU sa pangunguna ni Mayor Lino Cayetano para aniya sa kanilang high professionalism at kaalaman para sa tamang pamamaraan sa pag-handle ng Covid-19 vaccines.
Ayon naman kay Health Sec. Duque, ang Taguig vaccination rollout umano ay isang modelo at “ worthy of emulation “ gaya ng ibang LGUs hindi lamang sa National Capital Region kundi pati na rin sa buong bansa.
Archie Amado