Mel Brooks tumanggap ng honorary Oscar sa edad na 97
Tumanggap ang 97-anyos na si Mel Brooks ng isang lifetime achievement Oscar sa Hollywood, mahigit kalahating siglo makaraan niyang magwagi ng kaisa-isa niyang Academy Award mula sa pelikulang “The Producers.”
Sa isang black-tie gala, ay nagbiro si Brooks – na hindi malilimutan sa kaniyang pagganap sa satire na “The Producers” tungkol kay Adolf Hitler, at paglalantad sa ‘racial bigotry’ sa mga pelikula gaya ng “Blazing Saddles,” na hindi maganda ang naging pakiramdam niya sa sinapit ng nauna niyang Oscar para sa best original screenplay.
Aniya, “I miss it so much. I never should have sold it,” sa harap ng malakas na tawanan ng mga nasa ballroom. “I won’t sell this one, I swear to God!”
Ang legendary US comic at filmmaker, ay isa na sa iilang piling entertainer na nanalo ng Oscar, Emmy, Tony, at Grammy o kung pagsasama-samahin ay tinatawag na “EGOT” – sa buong panahon ng kaniyang career na sumasaklaw sa walong dekada.
Ang pinakahuli niyang karangalan ay kaniyang nakamit sa Governors Awards, na pinangangasiwaan ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences, na bawat taon ay nagpaparangal sa apat na minamahal na beterano sa industriya, na ang marami sa kanila ay hindi nakatanggap ng kanilang mga dapat tanggapin sa regular na Oscars.
US actress Angela Bassett became only the second Black actress to earn an honorary Oscar / Robyn BECK / AFP
Si Angela Bassett, na nominado sa Oscar para sa kaniyang pagganap bilang Tina Turner sa “What’s Love Got to Do With It” at Queen Ramonda sa 2022 superhero sequel na “Black Panther: Wakanda Forever,” na hindi naman nagwagi, ay pinarangalan din.
Bilang tanging ikalawang Black actress na nabigyan ng isang honorary Oscar, pagkatapos ni Cicely Tyson, binigyan ng tribute ni Bassett ang iba pang Black female Hollywood pioneers gaya nina Hattie McDaniel, na nagwagi ng isang Oscar para sa “Gone with the Wind” noong 1940.
Inabot ng kalahating siglo bago nasundan si McDaniel ni Whoopi Goldberg.
Sinabi ni Bassett, “My prayer is that we leave this industry more enriched, forward-thinking and inclusive than we found it. A future where there won’t be a ‘first’, or an ‘only’, or suspense around whether ‘history will be made’ with a nomination or a win.”
Bilang repleksyon na rin sa ‘stellar careers,’ ang Governors Awards ay kumakatawan sa isang mahalagang pagkakataon para sa Oscars hopefuls ngayon taon, na kumonekta sa Academy voters para sa pinakahuli nilang mga pelikula.
‘Barbie’ star Margot Robbie was among Oscars hopefuls to attend the Governors Awards in Hollywood / VALERIE MACON / AFP
Kabilang sa mga dumalo sina Christopher Nolan, Cillian Murphy, Robert Downey, Jr., at Florence Pugh ng pelikulang “Oppenheimer,” at Greta Gerwig at Margot Robbie para sa “Barbie.”
Si Emma Stone na kapapanalo pa lamang ng Golden Globes para sa “Poor Things” ay dumalo rin, maging si Paul Giamatti mula sa “The Holdovers,” at Leonardo DiCaprio at Martin Scorsese para sa “Killers of the Flower Moon.”
‘Killers of the Flower Moon’ star Leonardo DiCaprio attended the Academy of Motion Picture Arts and Sciences’ 14th Annual Governors Awards / VALERIE MACON / AFP
Biro ng host ng gabi na si John Mulaney, “It’s award season. There’s a lot of emotion and expectation in the air. Some of you are probably even aware that voting ends in seven days.”
Naantala ang Governors Awards ngayong taon dahil sa welga ng Hollywood actors, na pumigil sa mga bituin na magtrabaho o magpromote ng kanilang mga pelikula sa loob ng ilang buwan.
Ang iba pang honorees ng gabi ay ang “E.T” editor na si Carol Littleton, at Michelle Satter, founding senior director ng Artist Programs ng Sundance Institute, na nakatulong sa pagpapaunlad ng career ng filmmakers mula kay Quentin Tarantino hanggang sa mga direktor ng “Everything Everywhere All At Once” na sina Daniel Kwan at Daniel Scheinert.
Ang 96th Academy Awards ay gaganapin sa March 10.