Melon sa Japan nabili ng $24,800
TOKYO, Japan (AFP) – Isang pares ng Japanese melons ang naipagbili sa halagang $24,800 sa isang auction, mas mataas ng higit 22 ulit kumpara sa presyo nito noong isang taon.
Gayunman, ang 2.7 million yen tag price sa unang auction para sa popular na Yubari melon, ay maliit pa rin kung ikukumpara sa mga naitalang halaga ng napakamahal na melon.
Ayon sa isang wholesale market official . . . “This year’s recovery in price can be seen as a result of buyers looking to encourage people by putting in higher bids.”
Ang successful bidder ay isang local manufacturer ng baby food.
Sinabi ng presidente ng naturang kompanya . . . “I hope that the purchase would spread a bit of a good cheer. Although there”s still plenty of negative news, I hope this can help people smile and overcome the coronavirus pandemic.”
Ang bentahan ng pana-panahong mga prutas sa Japan, ay umaakit ng mga mamimiling naghahanap ng libreng publisidad at kasikatan.
Noong 2019, ang isang pares ng Yubari melon ay naipagbili sa halagang limang milyong yen, ngunit ang presyo ay bumagsak sa 120-libong yen na lamang nitong nakalipas na taon, kung saan isinisisi ito ng mga nagtatanim ng ganitong uri ng melon sa coronavirus, na anila’y nagtaboy sa mayayamang bidders na sabik magpatalbugan sa isa’t-isa.
Ang Yubari melons ay mula sa Hokkaido, ang northernmost main island ng Japan na isa ring sikat na tourist destination.
Ang rehiyon ay kasalukuyang nasa ilalim ng isang virus state of emergency, kasama ng siyam na iba pang lugar kabilang na ang Tokyo.
@Agence France-Presse