Memorandum of Agreement para sa paglulunsad ng Open Government Partnership Fun Run, nilagdaan na
Sinelyuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Budget and Management (DBM), at Philippine Red Cross (PRC) ang isang tripartite memorandum of agreement para sa paglulunsad ng Open Government Partnership (OGP) Fun Run, na gaganapin sa Enero 26, 2025 sa Quirino Grandstand, Manila.
Ang tripartite signing ay pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes, DBM Secretary Amenah Pangandaman, at PRC Secretary General Dr. Gwendolyn Pang.
Layunin ng OGP Fun Run na maisulong ang 2025 OGP Asia Pacific and Regional Meeting (OGP-APRM) na nakatakda sa Pebrero 5 hanggang Pebrero 7.
Nakapaloob sa nasabing kasunduan na lahat ng proceeds nito ay mapupunta sa PRC, ang beneficiary ng OGP Fun Run, na gagamitin naman ng PRC sa kanilang humanitarian missions.
Inaasahang aabot sa 3,000 ang lalahok sa OGP Fun Run na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa government agencies, private organizations, at civil society groups.
Archie Amado