Memorandum Order 32, hindi pasimula para sa pagdedeklara ng Martial Law sa apat na lalawigang daragdagan ng puwersa ng PNP at AFP – ayon sa Malakanayng

Nilinaw ngayon ng Malakanyang na hindi panimula ng Martial Law ang inisyung Memorandum Order 32 ng Palasyo na nag-aatas sa PNP at AFP upang magdagdag ng puwersa sa apat na lalawigan kung saan may mataas na insidente ng lawless violence.

Ito ay ang Samar, Negros Occidental, Negros Oriental at Bicol.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo mas mahigpit lang na pagpapatupad ng batas upang mapigilan ang karahasan o terorismo ang gagawin  sa apat na nabanggit na lalawigan.

Niliwanag ni Panelo problema sa insurgency, terorismo at iba pa gaya ng away sa pagitan ng mga magsasaka at landlords ang nag-udyok sa Malakanyang para maglabas ng nabanggit na Memorandum Order.

Binanggit ni Panelo ang pangyayari sa Sagay, Negros Occidental para gawin ng Pangulo ang hakbang na magdagdag ng puwersa ng pulis at militar habang patuloy na nakakatanggap ng intelligence report na lumalala ang seguridad sa apat na lalawigan na saklaw ng Memorandum Order 32.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *