Meralco at TNT tumabla sa serye ng Best of Five semifinals

photo credit: PBA

Bagamat tig-isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra at Phoenix Fuelmaster upang makausad sa finals, tinalo sila ng kani-kanilang kalaban ng mag-sisters team na Meralco Bolts at TNT Ka Tropang Giga sa magkahiwalay na oras para sa Best of Five semifinals ng PBA Bubble, Philippine Cup na ginagawa sa AUF Gym Angeles Pampanga.

Isang malakas na puwersa ang ginawa ng Bolts sa Game 4 pagkatapos talunin ang Barangay Ginebra 83-80, finals score.


Lumamang ng 15 points ang Meralco, subalit humabol ang Gin kings sa huling minuto ng laro 80-79, matapos ang dalawang sunod na basket ni Japeth Aguilar ng Ginebra.

Sa pagkakataong ito ay nagpakawala naman ng isang acrobatic shot si Reynel Hugnatan habang may natitira pang 15 segundo sa last buzzer ng laro.

Sinigurado naman ni Chris Newsome ang panalo matapos ipasok ang isang basket at itabla ang serye.

Muling maghaharap sa do-or-die game ang dalawang koponan sa Biyernes para malaman kung sino ang papasok sa Finals.

Samantala sa main game ay hindi nagpatinag ang TNT Tropang Giga matapos talunin ang Phoenix Super LPG, 102-101 ang iskor.

Pinangunahan ni Ray Parks ang TNT na gumawa ng 36 points. Ang ilang puntos na ginawa nito ay pawang mga krusyal shot.

Sa kampo ng Phoenix, nanguna sa opensa sina Matthew Wright na may 31 points habang si Jason Perkins ay may 19 points. Grumadweyt naman sa laro si Calvin Abueva sa natitirang 12 segundo ng laro na humataw ng double-double 17 points at 13 rebounds.

Kung sino ang mananalo sa unang laro sa Biyernes sa pagitan ng Phoenix at TNT ay siyang kakaharapin sa finals ang mananalo sa laro ng Ginebra at Meralco .

Malou Aquino

Please follow and like us: