Meralco nagbabala sa mas mataas na bayarin sa kuryente ngayong tag-init


Nagbabala ang Meralco na tataas ang singil sa kuryente ngayong summer season bunsod ng mas mataas na konsumo rito.

Ayon sa Meralco, bagaman wala pang nakaambang pagtaas sa presyo ng kuryente , sagaran naman ang nagiging paggamit ng consumers sa appliances upang mapawi ang nararamdamang tindi ng init.

Bunsod nito, asahan na ng mga consumer ang mas mataas na bill sa kuryente.

Samantala, ibinabala rin ng power distribution company na maaari silang magtaas ng singil bunsod ng madalas na pagpalya ng ilang power plant ngayong dry season.

Ang ganitong insidente anya ay nagdudulot ng mataas na presyo ng kuryente sa wholesale electricity spot market kung saan nagmumula ang bahagi ng kanilang supply.

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *