Meralco, tiniyak na ire-refund sa mga customer ang sobrang singil sa kuryente

Inamin ng Manila Electric Company na nagkaroon ng over-estimation sa kanilang computations sa billing ng mga customers na naging dahilan ng kalituhan ng publiko.

Sa pagdinig ng Committee on Energy, sinabi ni Meralco Vice-President  at Head of customer retail services Victor Genuino na nangyari ito dahil walang ginawang meter reading noong March at April dahil naka-lockdown ang buong Luzon.

Ibinatay umano nila ito average consumption mula December hanggang February.

Pero paglilinaw ni Meralco President at CEO Ray Espinosa, naikorek na ito matapos makapagsagawa ng meter reading noong huling bahagi ng Mayo at Hunyo.

Kung nakapagbayad na aniya ang mga customers bago maikorek ang kanilang billing batay sa actual meter reading maari naman itong i-refund sa kanilang mga customers.

Iginiit pa ni Espinosa na talagang tumaas ng hanggang 30 percent ang konsumo sa kuryente dahil nasa loob ng bahay ang lahat ng miyembro ng pamilya.

Mas marami aniyang appliances at gadgets ang nagamit dahil sa work from home at mas mainit na panahon.

Wala raw silang balak na maningil sa mga customers ng mas malaki pa sa kanilang kinonsumo.

Samantala, sa kabila ng ginawang corrections ng Meralco, sinabi  ng Energy Regulatory Commission na mas dumami pa ang natatanggap nilang reklamo laban sa Meralco.

Ayon kay ERC Chair Agnes Devanadera na natanggap na nila ang paliwanag ng Meralco sa inisyung show cause order pero maaring muling pagpaliwanagin dahil wala pang malinaw na paliwanag sa miscalculation.

Sa ngayon tuloy kanilang evaluation at pag-iimbestiga sa may mahigit 47,000 reklamo laban sa Meralco.

Pero wala pang malinaw na rekomendasyon kung ano ang maaring ipataw na parusa kung mapapatunayang nagkaroon ng pag-abuso ang Meralco.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

Please follow and like us: