Messi, nahigitan na si Pele bilang top scorer sa isang single club
MADRID, Spain (AFP) – Nalampasan na ni Lionel Messi ang record of goals ni Pele para sa single club, nang maipasok nya ang kaniyang ika-644 na goal para sa Barcelona sa 3-0 victory laban sa Valladolid nitong Martes.
Naipasok ng Argentina forward ang ikatlong goal ng Barca, nang mabigo ang goalkeeper ng Valladolid na si Jordi Masip na i-block ito sa ika-65 minuto ng laro.
Sa kaniyang post sa Instagram, ilang sandali matapos ang laro ay sinabi ni Messi na nang magsimula siyang maglaro ng football ay hindi niya inisip na magagawa niyang ma-break ang kahit na anong record.
Pinasalamatan din niya ang lahat ng mga tumulong sa kanya ilang taon niyang pagiging manlalaro ng football, gaya ng kaniyang teammates, pamilya niya, mga kaibigan at lahat ng araw-araw ay sumusuporta sa kaniya.
Nitong Sabado, ay pumantay si Messi kay Pele sa isang 2-2 draw kontra Valencia.
Si Pele at Messi ay naka-iskor ng halos pantay na rate para sa kani-kanilang clubs.
Ito naman ang ika-749th competitive match ng 33-anyos na Argentine para sa Barca, ibig sabihin ay nakaka-score si Messi sa bawat 1.16 games.
Ang Brazilian naman na si Pele ay naka-score ng 643 goals sa 757 matches kung saan naglaro ito sa pagitan ng 1956 at 1974, o isa sa bawat 1.17 matches.
Sa pamamagitan naman ng Instagram ay nagbigay si Pele ng mensahe kay Messi, matapos nilang mag-tie sa record.
Aniya, “Like you, I know what it’s like to love wearing the same shirt every day. Like you, I know that there is nothing better than the place we feel at home. Congratulations on your historic record, Lionel. But above all, congratulations on your beautiful career at Barcelona. Stories like ours, of loving the same club for so long, unfortunately will be increasingly rare in football. I admire you very much.”
Si Messi, na six-time Ballon d’Or winner, ang highest scorer sa ngayon sa kasaysayan ng Barca (si Cesar Rodriguez ang susunod na may score na 230 goals), highest scorer sa kasaysayan ng Spanish league championship (451 ang kaniyang goals, lamang kay Cristiano Ronaldo na 311 lang), at ang manlalaro na nagkamit ng pinakamaraming trophies sa Catalan club ( ang kabuuan ay 34, kasama na ang apat na Champions Leagues).
Si Pele ay sinasabing naka-score ng higit sa libong goals, kabilang ang lahat ng match na kaniyang nilaro, official at unofficial.
Subalit sa competitive matches, lumilitaw na si Pele ay pumapangalawa lamang sa Austrian at Czechoslovakian striker na si Josef Bican, na ayon sa kalkulasyon ng football historians ay naka-score ng 805 goals sa pagitan ng 1931 at 1955, na naglaro para sa anim na clubs at tatlong national teams.
Si Pele, sa pagitan ng 757 at 767 goals sa competitive matches ng kaniyang career, na kinabibilangan din ng 92 Brazil internationals at dalawang seasons sa New York Cosmos, ay lamang kay Messi (714) para sa club at country at lamang din kay Cristiano Ronaldo (754).
Si Pele pa rin ang may hawak ng record para sa “most international goals by a South American” na may 77 para sa Brazil, subalit si Messi ay mayroon namang 71 para sa Argentina.
© Agence France-Presse