Met, nakatakda nang muling magbukas sa susunod na buwan
NEW YORK, United States (AFP) – Makaraan ang ilang buwang walang katiyakan, inanunsiyo ng Metropolitan Opera orchestra na niratipikahan nila ang kanilang kontrata sa management, bilang paghahanda sa muling pagbubukas nito sa susunod na buwan.
Sa joint statement na inilabas ng local 802 branch president na si Adam Krauthamer at ng local Met Orchestra Committee, nakasaad na . . . “We are thrilled to be returning to regular performances very soon, and look forward to reconnecting wirh our audiences.”
Ang collective bargaining agreement ay kasunod ng malimit ay mainitang labor debate, kabilang ang tungkol sa pay cuts para sa musicians, na sa halos isang taon sa panahon ng pandemya ay hindi nabayaran.
Ayon kay Met General Manager Peter Gelb . . . “The members of the Met’s great orchestra have been through Herculean challenges during the sixteen months of the shutdown, as we struggled to keep the company intact. Now, we look forward to rebuilding and returning to action.”
Hindi isinapubliko ang terms of agreement, ngunit batay sa dokumentong ini-report ng isang pahayagan, ang musicians at management ay nagkasundo sa isang deal kabilang ang pay cuts na 3.7%, kung saan nagkaroon ng pangakong ibabalik ang bahagi ng kabayarang ito kapag ang box office revenues ay umabot na sa 90% ng kinita bago magpandemya.
Plano ng Met na muling magbukas sa September 27 sa pamamagitan ng “Fire Shut Up In My Bones” ni Terence Blanchard, ang unang black composer na magpapalabas ng naturang production sa nabanggit na venue.
Noong July, inihayag ng Met management na lahat ng customers at staff kasama ng orchestra at chorus members, ay kailangang magpakita ng proof of vaccination kontra Covid-19 sa panahon ng 2021-2022 season.
Ang mga bata namang wala pang dose anyos ay hindi papayagang makapasok sa Met kahit pa bakunado na ang kasama nilang adults.
Agence France-Presse