Meta titigil na sa pagbabayad sa Australian news media
Inanunsyo ng parent company ng Facebook na Meta, na hindi na ito magbabayad sa Australian media companies para sa balita, na nag-udyok naman upang magbabala ang gobyerno laban sa “pagwawalang-bahala” ng kompanya sa mga nakaraang pangako nito.
Kaugnay ng paglawig ng kanilang global retreat sa news content, sinabi ng Meta na aalisin na nito ang Facebook News tab sa Australia at hindi na magrerenew ng mga kasunduan sa news publishers, na nagkakahalaga ng milyun-milyong dolyar.
Paliwanag ng kompanya tungkol sa kanilang hakbang, “People don’t come to Facebook for news and political content.”
Magiging dagok naman ito sa Australian news outlets na sa ngayon ay nahihirapan nang makaagapay.
Una nang inanunsiyo ng Meta na hindi na ito magrerenew ng content deals sa news publishers sa Estados Unidos, Britain, France at Germany.
Ang social media giant ay itinulak na magbayad para sa mga balita ng mga gobyerno, sa pag-asang mapantayan ang media playing field at masuportahan ang naghihirap na kompanya ng mga balita.
Ilang taon nang nakararanas ng pagbaba sa kita ang media companies sa buong mundo, dahil maraming advertisers ang lumilipat na sa popular na digital platforms gaya ng Google at Facebook upang maabot ang consumers.
Ikinagalit naman ng Communications Minister ng Australia na si Michelle Rowland ang anunsiyo ng Meta at ipinahiwatig na ang gobyerno ay gagawa ng hakbang bilang ganti.
Ayon kay Rowland, “Meta’s decision to no longer pay for news content in a number of jurisdictions represents a dereliction of its commitment to the sustainability of Australian news media.”
Dagdag pa niya, “The decision removes a significant source of revenue for Australian news media businesses. Australian news publishers deserve fair compensation for the content they provide.”
Aniya, “The government would ‘work through all available options’ to address the issue, in consultation with the country’s communications regulator.”
Sinabi pa ni Rowland, “The government was ‘committed to promoting a strong, sustainable and diverse media sector’ given its vital importance to our democracy and social cohesion.”