Metabollic diet, makatutulong para matugunan ang obesity at overweight problem ng bansa ayon sa nutritionist
Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong obese at overweight.
ayon sa DOH, may labing walong milyong Pilipino ang obese at overweight.
Kaugnay nito, sinabi ni Chef Arlene Clemente, isang Nutritionist-dietitian mula sa Holistic Integrative Care Center , itinuturo nila sa kanilang mga pasyente ang tinatawag na metabollic diet, bilang tugon sa suliraning nabanggit.
Ito ang pinakabagong paraan ng pag i dentify ng tamang diet sa katawan ng tao.
“Merong tinatawag na slow oxidizer or merong tinatawag na fast oxidizer, yung mabilis tumunaw at mabagal tumunaw ng pagkain, so kami po, ang talagang itutulong namin is to identify ano ba ang preference ng pasyente namin na pagkain which is akma sa kanilang pangangatawan sa kung gaano kabilis at kabagal tumunaw ng pagkain ang kanilang katawan”- Chef Arlene Clemente, Nutritionist-dietitian
Ulat ni: Anabelle Surara