Metformin, mga dapat mong alamin ukol dito
Maraming Pilipino ang maysakit na diabetes.
Ayon sa 2013 Philippine Health Statistics Report, pang-anim ang diabetes sa leading cause of death ng mga Pinoy.
Habang nasa mahigit anim na milyon ang na-diagnose na may diabetes, batay sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation noong 2016.
At kapag may sakit hindi mai-aalis na uminom ng gamot.
Teka, kabilang ba kayo sa nagte-take ng medication?
At kung diabetic kasama ba ang metformin sa iniinom ninyo?
Iyung iba hindi maiaalis na mag-alala sa pag-inom nito dahil sa posibleng hindi magandang epekto sa kalusugan.
Dahil dito tinanong natin kay Dr. Irma Antonio-Pilar, Internist-Endocrinologist, kung totoo nga ba ang maling paniniwala tungkol sa gamot na metformin.
Ano ba ang metformin?
Ang sabi ni Doc Irma ang metformin ay isang klase ng gamot sa type 2 diabetes under class ng biguanides, usually binibigay sa pasyente na obese type 2 diabetes.
Ang metformin ang first line of treatment.
Ito ay may recommendation ng American Diabetes Association.
Sa tanong na kung nakasisira ba ito ng kidney.
Ang metformin ay hindi kino-consider bilang nephrotoxic drugs, ang ibig sabihin naman ng nephrotoxic drugs (mga gamot na nakasisira ng kidneys).
Hindi ito ibinibigay kapag less than 30 ml per minute at kapag meron ng end stage ng renal disease.
Ang dahilan kung bakit nasisira ang kidneys ay dahil sa matagal ng mataas na sugar level. Ang diabetes o chronic hyperglycemia mismo ang sumisira sa kidneys.
Ito ang epekto ng matagalan na diabetes sa katawan especially kapag uncontrolled.
Samantala, tungkol sa paniniwalang nakasisira ng liver ang metformin, banggit pa ni Doc Irma, hindi ibinibigay ang metformin kapag may advance liver cirrhosis.
Kaya nga mainam na magpacheck o sumailalim sa liver function test .
Nabanggit ni Dr. Pilar kapag may diabetes, associated ito sa ibang sakit, gaya ng hypertension, mataas na cholesterol.
Nilinaw niya na ang metformin ay nakatutulong para mabawasan ang ldl o bad cholesterol salungat sa impormasyong pinalalala ang mataas na cholesterol.
Samantala, kapag umiinom ang pasyente ng metformin, nababawasan ang absorption sa katawan ng vitmain B complex kaya nirerestahan ng B complex vitamins lalo na sa mga nakararanas ng pamamanhid sa katawan o neuropathy.
Sa tanong pa kung safe ba ito sa nagdadalantao?
Sabi pa ni Doc, may pag-aaral na ang metformin ay prescribed para sa mga buntis, lumalabas na nababawasan ang panganib na makunan at magkaroon gestational diabetes.
Napatunayan din na wala namang birth defect kapag nagtake ng metformin during pregnancy.
Para naman sa may PCOS o polycystic ovarian syndrome, ang root cause nito ay insulin resistant na mismong ginagamot ng metformin.
Kapag may PCOS, hirap magbuntis, ang epekto ng metformin, tumutulong sa ovulation.
Saan ba nagsimula ang mga maling impormasyon tungkol sa metformin?
Ang kuwento ni Doc Irma, noong 1960’s naglabas ng gamot na phenformin na maraming naging side effects gaya ng lactic acidosis, at dahil dito I-pinull out ito ng FDA, dito nagsimula kung bakit maraming naging doubtful sa metformin.
Until naglabas ang United Kingdom ng prospective diabetes for study at nakita ang beneficial effect ng metformin.
Dito nakita na maganda ang effect nito lalo na sa obese o overweight patient at cardio protective.
May paalala si Doc Irmas, iwasan ang mag-skip sa pag-inom ng gamot dahil maaaring magsimula ang maraming problema o komplikasyon sa katawan.
Panghuli, kung bakit ginagamot ang diabetes ay para maiiwasan ang komplikasyon, kaya kailangan may kasamang proper diet and exercise.