Metro Manila, inilagay na sa Alert Level 2 mula November 5- 21
Isasailalim na sa Alert Level 2 ang Metro Manila simula ngayong November 5 hanggang November 21, 2021.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na inaprunahan sa pulong ng Inter- Agency Task Force ang rekomendasyon ng Technical Working Group na ibase ang alert level assignment ng mga lugar sa datos ng pinakamalapit na petsa ng implementasyon.
Inihayag ni Roque ang dahilan ng pagbaba sa alert level 2 sa Metro Manila mula sa alert level 3 ay ang patuloy na pagbaba ng attack at transmission rate ng COVID 19 ganun din ang pagbaba ng hospital bed utilization.
Ayon kay Roque simula sa December 1 ang alert level assignment ng mga lugar ay ide-deklara tuwing kalagitnaan at katapusan ng bawat buwan habang ang pagtataas naman ng alert level ng isang lugar ay maaaring gawin anumang oras.
Kaugnay nito pananagutan ng National Task Force o NTF at regional IATF na magsumite ng lingguhang ulat kaugnay sa implementasyon at progreso ng alert level system sa mga piling lugar sa bansa.
Vic Somintac