Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, niyanig ng magnitude 6.3 na lindol – PHIVOLCS
Naramdaman sa malaking bahagi ng Luzon ang lindol ala 1:28 ng hapon.
Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, naitala ang epicenter ng magnitude 6.3 na lindol sa layong labing anim timog kanluran ng Nasugbu, Batangas.
Tectonic ang origin ng nasabing lindol.
Naramdaman din ang intensity 4 : sa Calapan Mindoro , Subic Zambales , Rosario Cavite , Maynila, at Sablayan Occidental Mindoro.
Intensity 3 sa Pateros City , Quezon City , Makati City, Malolos Bulacan , Cainta Rizal, at Calamba Laguna.
Intensity 2 : Magalang Pampanga , Tanuan City Batangas habang intensity 1: sa Talisay Batangas.
Sinabi ni Solidum na gumalaw ang Manila trench kaya maraming bahagi ng Metro Manila ang nakaramdam sa lindol.
Inihayag pa ni Solidum na asahan na makakaranas ng mga aftershocks sa mga susunod na oras.
Wala naming naitalang pinsala ang nasabing lindol.
Ulat ni: Marinell Ochoa