Metro Manila inulan; ilang lansangan binaha

 

Agad binaha ang ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa naranasang pag-ulan.

Nilinaw naman ng Pagasa  na hindi pa epekto ng Typhoon Mangkhut ang bumuhos na malakas na ulan sa metro manila kaninang umaga.

Pasado alas 9:00 ng umaga nang maglabas ng Thunderstorm advisory ang Pagasa at sinabing ang Quezon City, Pasig, Marikina at San Juan ay apektado ng malakas na buhos ng ulan na may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at malakas na hangin.

Tumagal ang nasabing lagay ng panahon hanggang dalawang oras.

Dahil dito, sinabi ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na agad nakapagtala ng pagbaha sa ilang lansangan.

Kabilang dito ang Edsa P. Tuazon North at Southbound, East Avenue sa harap ng National Kidney Institute, Edsa Ortigas – POEA Southbound, at Edsa Quezon Ave. – Centris northbound.

Hindi naman malalim ang naranasang pagbaha at nadaanan pa rin ng mgasasakyan ang naturang mga lansangan.

Makalipas ang ilang minuto na pagtigil ng ulan ay unti-unti ring humupa ang baha.

 

===========

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *