Metro Manila LGU, patuloy ang pamimigay ng edukasyon tungkol sa kahalagahan ng anti-Covid vaccine
Patuloy ang pamumudmod ng impormasyon at edukasyon kaugnay sa bakuna laban sa Covid-19 ng Metro Manila local government units.
Ito ay upang ipaalam at ipaunawa sa publiko ang effectivity ng mga anti-Covid vaccines na inaasahang darating sa second quarter ng taong ito.
Ayon kay Parañaque city Mayor at Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez, kailangang maabot ang target na 70 percent ng populasyon upang magkaroon ng Herd immunity.
Magiging problema lamang dito ay ang quantity ng bakuna kaya nga mayroong nasa priority list na mababakunahan gaya ng mga Frontliners,
Maliban dito, nakapagtatag na rin ang Metro Manila LGU ng mga Vaccination center at mga Vaccination team para sa rollout at sinimulan na rin ang registration para sa mga magpapabakuna.
Binigyang-diin ni Olivarez na libre at sasagutin ng pamahalaan at mga LGU ang bayad sa bakuna para sa mga mamamayan.
Parañaque city Mayor Edwin Olivarez:
“Patuloy na ginagawa ng LGU ang education, yung pagpapaalam sa mga tao upang maintindihan nila ang effectivity ng vaccine na ito na nag-rollout na sa ibang bansa. Kailangang makapag-vaccine tayo ng 70 percent para magkaroon ng herd immunity”.