Metro Manila, matagal nang nangunguna sa pagiging mataas na bilang ng mga Drug user at pusher- NCRPO

Matagal nang nangunguna ang Metro Manila pagdating sa dami ng bilang ng mga drug user at pusher.

Sa panayan kay National Capital Regional police office o NCRPO Chief Oscar Albayalde, bago pa aniya siya maitalaga bilang NCRPO Chief ay talamak na ang bentahan at gamitan ng iligal na droga sa kalakhang Maynila.

Isa nga sa mga dahilan ay ang dami ng populasyon sa Maynila na umaabot na ngayon sa 15 milyong katao.

Ang iba naman aniya gaya ng mga nasa squatters area ay gumagamit ng droga upang makalimutan ang mga personal na problema na lalung nagiging sanhi ng paglala ng kriminalidad sa bansa.

” Sa pag-upo po natin, ang affected barangays po out of 1, 706 barangay sa Metro Manila ay nasa halos 96 percent ang drug affected.  So understandable talaga na ang Metro Manila ay posibleng pinakamataas na insidente ng illegal drugs”. – NCRPO Chief Oscar Albayalde

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *