Metro Manila Mayors, hihilingin sa IATF na ikonsidera ang desisyon na payagan nang magbukas ang mga sinehan
Plano ng Metro Manila mayors na hilingin sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, na ikonsidera ang desisyon nito na payagan nang magbukas ang mga sinehan.
Sinabi ni Meto Manila Council Chairman at Paranaque Mayor Edwin Olivarez, na may reserbasyon ang mga alkalde tungkol dito dahil sa “enclosed nature” ng mga tradisyunal na sinehan.
Aniya, magpupulong ang MMC ngayong Linggo para pag-usapan ang rekomendasyon, sa magiging status ng quarantine sa Metro Manila simula sa Pebrero 28.
Hanggang dumating ang araw na iyon, ang Metro Manila ay namamalaging nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Nitong Biyernes, ay inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan na ng gobyerno ang pagbubukas ng tradisyunal na mga sinehan sa GCQ areas simula bukas, Pebrero a-15.
Pinapayagan na ring magbukas simula sa nabanggit na petsa, ang driving schools; libraries, archives, museums at cultural centers; video at interactive game arcades; meetings, incentives conferences at exhibitions; limited social events; tourist attractions gaya ng mga parke, theme parks, natural sites at historical landmarks; at accredited establishments ng Department of Tourism.
Pinahintulutan na rin ng gobyerno na dagdagan ang kapasidad para sa mga pagtitipong pangrelihiyon, kung saan mula sa 30 porsyento ay magiging 50 porsyento na ito.
Liza Flores