Metro Manila Mayors, hiniling sa IATF na muling ipagbawal ang paglabas ng mga bata
Nababahala ang mga alkalde sa Metro Manila sa pagkalat pa ng Delta variant kung hindi babawiin ng IATF ang resolusyon nitong nagpapahintulot na makalabas ng bahay ang mga batang may edad 5-taong gulang pataas
Sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Duterte sa Malacañang kagabi, nakiusap si MMDA Chairman Benhur Abalos sa IATF, sa harap ng Pangulo, na bawiin ang nasabing resolusyon kahit para sa Metro Manila, dahil sa panganib ng pagkalat ng Delta variant.
Ayon kay Abalos, pinagpulungan ng mga alkalde sa Metro Manila ang nasabing usapin at nagkakaisa aniya ang mga alkalde na huwag munang payagang makalabas ng bahay ang mga bata dahil maaari umanong maging super spreader ang mga ito.
Sa kabila nito, tiniyak ni Abalos ang kahandaan ng mga alkalde sa Metro Manila upang makontrol ang paglaganap ng Delta variant sa kalakhang Maynila.