Metro Manila mayors magpupulong para paghandaan ang epekto ng El Niño

Magpapatawag ng pulong ang Metro Manila Council (MMC) sa lahat ng alkalde sa rehiyon sa harap ng nagbabantang problema sa suplay ng tubig dahil sa tag-init.

Layon ng pagpupulong na makabuo ng mga polisiya kung kailangang magkaroon ng regulasyon sa mga establisimyento na malakas kumonsumo ng tubig.

Paghahanda na rin ito sa pagpasok ng El Niño kung saan inaasahang magkakaroon ng problema sa suplay ng tubig.

Sinabi ng MMC na posibleng magpa-iral ng kani-kaniyang regulasyon ang bawat lokalidad depende sa mapagkakasunduan ng konseho.

Kasunod ito ng panukala ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na temporary ban sa mga negosyo o aktibidad na malakas gumamit ng tubig kabilang ang car wash at paggamit ng inflatable pools.

Sa pagtaya ng PAGASA, inaasahang mararanasan sa second quarter ng taon ang epekto ng El Niño.


Madz Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *