Metro manila Mayors, tutol na ibaba ang Alert level sa NCR
Tutol ang mga alkalde sa Metro manila na ibaba na sa Alert level 1 ang Quarantine status sa National Capital Region.
Nagpasa ng resolusyon ang Metro mayors para hilingin sa Inter Agency Task Force na palawigin ang umiiral na Alert level 2 hanggang February 28.
Sinabi ni MMDA OIC at General Manager Romando Artes na ang resolution 22-04 ay pirmado ng labimpitong alkalde
Nais kasi nilang mas mapababa muna ang kaso bago tuluyang luwagan ang restrictions.
Nangangamba kasi aniya ang mga alkalde na kapag ibinaba sa Alert level 1 mawawala na ang lahat ng restrictions at malaya na ang mga malalaking pagtitipon tulad ng mga political rally na maaring maging super spreader ng virus.
Bukod dito lima pa lamang sa labimpitong siyudad ang nasa low risk habang ang labindalawa nasa Moderate risk sa COVID-19.
Sa kasalukuyan aniya aabot na lang sa 600 ang aktibong kaso ng COVID sa Metro manila.
Meanne Corvera