Metro Manila nangangailangan pa ng mahigit na 18,058 classroom – DepEd

Nangangailangan  pa ang Metro Manila ng mahigit na 18,058 na classroom o katumbas ang 4 story building sa bawat public school para maabot ang single shift ng klase na mayroon lamang 40 hangang 45 na studyante bawat classroom.

Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua magandang paraan ang ginagawa ng mga principal na paghahati hati ng mga classroom o may iba’t ibang oras ng pasok ngunit ang katotohanan ay kinakailangan parin ng mahigit na 18,000 na classroom.

Dagdag ni Pascua  kinakailangan din ng lugar kung saan pwede magtayo ng dagdag na mga building, kaya pinaplano na  nila ang kung saan maaaring ilagay ang mga ito.

Sinabi naman  ni Education Secretary Leonor Briones na plano ng DepEd na magbukas ng school communities sa labas ng Metro Manila para makasabay sa pagdami ng mga studyante.

Sa ilalim ng naturang plano nito ay magkakaroon ng busing system para ihatid ang mga studyante.

Ayon kay Briones sinisimulan na ng mga opisyal ang paghahanap ng mga posibleng pagtayuan ng mga bagong silid aralan.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *