Metro Manila plus areas, isasailalim sa MECQ simula ngayong Abril 12 hanggang 30
Simula Abril 12 hanggang 30, isasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roquem ito ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Isasailalim din sa MECQ ang Santiago city sa Isabela maging ang Quirino province at Abra mula bukas, Abril 12 hanggang 30.
Samantala isasailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) ang Cordillera Administrative Region (CAR), Region 2 o ang Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at sa Region 4-A ay ang probinsiya ng Batangas; Region 8 ay ang Tacloban city; sa Region 10 ay Iligan City; sa Region 11 ang Davao City; sa BARMM, Lanao del Sur, at ang Quezon.
Ito ay mula April 12 hanngang 30.
Ang lahat naman aniya ng parte ng Pilipinas na hindi nabanggit ay mapapasailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Samantala, sinabi ni Roque na sa Regular Briefing bukas ay pag-uusapan naman ang mga panuntunang ipatutupad sa mga isasailalim sa MECQ.