Metro Mayors, igigiit pa rin ang pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine status sa NCR
Nananatili ang Metro Manila Mayors sa kanilang posisyon na ipatupad ang mas mahigpit na quarantine measures sa National Capital Region (NCR).
Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa GCQ with Heightened restrictions ang Metro Manila sa kabila ng pagsirit ng mga kaso ng Covid-19 bunsod ng Delta variant.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos na igigiit pa rin nila sa IATF ang kanilang kahilingan.
Ngayong araw inaasahang magpupulong ang Metro Mayors kasama ang IATF.
Samantala, sinabi naman ni Health Secretary Francisco Duque III na maaari pa namang mabago ang quarantine status sa kalakhang Maynila depende sa magiging resulta ng pagpupulong.