Metro mayors pinag-aaralan na ilagay sa GCQ with restrictions ang Metro manila pagkatapos ng May 14
Ikinukunsidera na ng mga alkalde sa Metro Manila na luwagan ang quarantine restrictions mula sa MECQ patungong General Community Quarantine with restrictions pagkatapos ng may 14.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, Itoy para unti unti nang magbukas ang iba pang negosyo at sumigla ang ekonomiya.
Pero sa ilalim ng GCQ with restrictions, magpapatupad pa rin ng mas mahigpit na health protocols at restrictions sa mga establishments.
Halimbawa aniya ito ang mga restaurants na dapat mamalagi muna ang 10 percent capacity sa mga dine in.
Sinabi ni Abalos na ang Department of Trade and Industry ang magtatakda ng mga patakaran sa mga negosyo at iba pang industriya.
Samantala magpapatupad naman ng border control sa lahat ng siyudad para mamonitor ang lahat ng mga pumapasok na maaring carrier ng virus.
Meanne Corvera