Metro Mayors, pinayagan na ang pagpunta ng mga menor de edad sa outdoor spaces ng mga malls
Nagkaisa ang Metro Manila Mayors na payagan na rin ang mga menor de edad sa outdoor areas ng mga shopping mall kasama ang kanilang mga magulang o guardian.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi papayagang pumasok sa enclosed parts ng mga mall ang mga kabataan na may edad lima pataas lalo’t walang sapat na bentilasyon.
Bagamat hindi pinapayagan ng Inter-Agency Task Force na magpunta ang mga menor de edad kahit sa outdoor areas ng malls, binigyang kapangyarihan naman ang mga local chief executive para rebisahin ang mga panuntunan.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na pinapayagan lamang sa MMC Resolution ang 50% capacity ng outdoor parks, playgrounds at non-contact sports courts na maaaring puntahan ng mga kabataan.