Metropolitan Theater, malapit ng buksan sa publiko
Malapit nang mapakinabangan ng publiko ang Manila Metropolitan theater na natengga ng napakahabang panahon.
Kanina ininspeksyon ni Manila Mayor Isko Moreno, National Commission for the Culture and The Arts chairman at National Artist for Literature Virgilio Almario, at iba pang opisyal ng National Museum at National Historical Commission of the Philippines o NHCP ANG MET.
Ayon kay Dr. Rene Escalante, ang chairman ng NHCP, sa unang bahagi ng taong 2020 ay bubuksan na sa publiko sa mismong teatro ng Manila Metropolitan Theater.
Magiging full operational naman ito, bago raw matapos ang termino ni Moreno.
Ang ilang bahagi ng gusali ay puspusan na ang pagsasaayos, at tuluy-tuloy ang rehabilitasyon, at target na tapusin sa loob ng isang taon.
Bukod sa teatro, ayon kay Escalante ay magkakaroon din ng museo, souvenir shops at iba pang mga pwedeng pasyalan sa loob nito.
Sinabi ni Escalante na mayaman sa kasaysayan ang lugar, na itinayo noong pang 1930’s.
Ang Manila Metropolitan Theater ay isang deklaradong natural treasure at national historical landmark.
Ayon naman kay Moreno, ang pagtulong ng Manila LGU sa NCCA, NHCP at iba pang kaukulang ahensya ay bahagi ng kanilang hangarin na maibalik sa mga tao ang mga heritage site at mapangalagaan ang mga ito.
Ulat ni Madz Moratillo