Mexico nagpalabas ng red alert habang nananalasa ang Hurricane John sa timugang baybayin
Nagpalabas ng isang red alert ang pangunahing disaster agency ng Mexico para sa mga lugar sa timugang bahagi ng Pacific coast, matapos na mabilis na lumakas ang Hurricane John at maging isa nang Category 2 storm na nagbabantang lalo pang lumakas bago maglandfall sa mga susunod na oras.
Ipinalabas ng National Civil Protection agency ang pinaka seryoso nilang babala para sa coastal regions ng southern Guerrero at Oaxaca states ng Mexico, na nagbababala sa mga residente na maghanap muna ng mapagkakanlungan hanggang sa sabihin na ng mga awtoridad na clear na ang lahat.
Sinabi ng ahensiya na ang kasalukuyang tinatahak ng bagyo ay landas para maglandfall sa pagitan ng Copala, Guerrero, at Santiago Pinotepa Nacional, Oaxaca, sa pagitan ng alas-9:00 ng gabi at ala-una ng madaling araw (local time).
Nagbabala ang U.S. National Hurricane Center (NHC) ng “imminent” flooding, storm surges, at hurricane-force winds habang ang bagyo ay nasa 30 miles (48 km) na lamang ang layo mula sa Punta Maldonado ng Guererro, na may ihip ng hangin na 105 miles per hour (170 kph).
Residents stand on a beach ahead of the arrival of Storm John, in Puerto Escondido, Oaxaca state, Mexico September 23, 2024. REUTERS/Fredy Garcia
Ayon sa NHC, “The storm was likely to intensify before making landfall late on Monday or early Tuesday. John could become a major hurricane before making landfall along the coast of southern Mexico.”
Inanunsiyo naman ng education officials ang pagsasara ng mga paaralan sa ilang bahagi ng Oaxaca at Guerrero, at sinabi ng CFE, ang state power firm ng Mexico, na nagpapunta na sila ng mga manggagawa sa Oaxaca bago pa dumating ang Storm John.
Nakataas din ang isang hurricane warning sa ilang mga lugar gaya ng sikat na beach resort ng Acapulco, na bumabangon pa lamang mula sa pananalasa ng Hurricane Otis noong isang taon, hanggang sa malayong silangang Oaxacan tourist hub ng Huatulco.
May isang tropical storm warning din sa silangan ng Huatulco hanggang sa pangunahing pantalan ng Salina Cruz, tahanan ng pinakamalaking domestic refinery ng Mexican state-run oil company na Pemex.
Dagdag na babala ng NHC, “Heavy heavy rainfall from John may cause ‘significant and possibly catastrophic, life-threatening flash flooding and mudslides,’ that will affect the Mexican states of Chiapas, Oaxaca and southeast Guerrero through Thursday.”