Mexico, niyanig ng 8.1 na lindol
Niyanig ng magnitude 8.1 na lindol ang Southern Coast ng Mexico.
Sa ulat ng US Geological survey , natukoy ang epicenter ng lindol sa layong isang daang kilometro timog kanluran ng Pijijiapan .
May lalim ang lindol na tatlumput limang kilometro.
Dahil sa lakas ng pagyanig nagpalabas ng tsunami warning sa Mexico, Guatemala, El Salvador, Costa Rica, Nicaragua, Panama at Honduras.
Samantala , nagpalabas na rin ng kahalintulad na babala ang Phivolcs sa ilang lugar sa Pilipinas.
Ulat ni: Marinell Ochoa
Please follow and like us: