Meycauayan, Bulacan ipinagdiwang ang ika-14 na taong anibersaryo ng pagiging isang lungsod
“KAKASA KAME! KAlusugan at KAunlaran SA KAtorse ng MEycauayan!” Ito ang tema ng pagdiriwang sa Ika -14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Meycauayan, Bulacan.
Kabilang sa naging pagdiriwang ang pagpapasinaya sa Catch Basin flood control project sa Brgy. Poblacion, at ang tour sa kauna-unahang Meycauayan Housing project sa Sitio Bulac, Brgy. Malhacan at sa City Tourism Office of Meycauayan bilang panalo sa contest na I-heart my Barangay.
Magkatuwang sa mga proyekto at programa sa lungsod ang tanggapan ni Bulacan 4th District Congressman Henry Villarica at alkalde ng lungsod na si Mayor Linabelle Ruth Villarica.
Samantala, malapit na ring matapos ang bagong city hall sa McArthur Highway sa Barangay Saluysoy.
Bago ang isinagawang pagdiriwang ngayong araw ay may mga aktibidad nang sinimulan noon pang December 4, 2020 na kinabibilangan ng mga sumusunod:
– free registration of birth
– anti-rabies vaccination
– 1 for all, all for one discount
– sustainable livelihood program para sa mga PWDs
– bamboo tree planting
– i-heart my barangay contest & cityhood theme contest awarding
– COVID-19 bidang kawani ng meycauayan
– localized social pension for senior citizens
– meycauayan river clean-up
– meycauayan bamboo eco park ground breaking
– ict network infra project meycauayan connect
– araw ng pasasalamat “mga bida ng pandemya”
– “gulayan sa barangay” awarding
– “padyak to the new normal” awarding to beneficiaries
– turn-over ng ambulansya sa mga barangay
Ulat ni Gerald Dela Merced, kasama si Mary Ann Dasalla at Jolly Lor Octavo