Mga aangkating imported na karne, pinasusuri rin laban sa Covid-19
Pinatitiyak ni Senador Grace Poe sa Department of Agriculture (DA) na masuri laban sa Covid-19 ang mga inaangkat na imported na karne.
Nangangamba ang Senador dahil bukod sa African Swine fever na maaaring pumatay sa mga alagang hayop, maaari rin itong maging carrier ng virus.
Nauna nang sinabi ng DA na maaring maging carrier ng virus ang mga frozen meat pero ang problema ay wala silang kapasidad para i- test ang mga imported na karne.
Ayon sa Senador ngayong nagdesisyon ang gobyerno na itaas pa ang inaangkat na mga baboy, delikado ring makapasok ang iba’t ibang variant ng Covid-19.
Baka aniya sa halip na makatulong ay magdala pa ito ng mas matinding panganib sa mga tao.
“Pinoproblema natin ngayon ang ASF dahil may nagkulang sa sistema ng pag-inspeksyon. So drastically increasing our meat imports without enough testing capacity to ensure clean meat products will do more harm than good”. – Senador Grace Poe
Meanne Corvera