Mga abugado binawalan sa pagpapakalat ng fake news at iresponsableng paggamit ng social media
Inilunsad na ng Korte Suprema ang inamyendahang Code of Professional Responsibility (CPR) para sa mga abogado.
Ito ay matapos aprubahan ng lahat ng mga mahistradong Supreme Court (SC) sa kanilang en banc session ang bagong Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo at ng iba pang mga mahistradong SC ang national launching ng CPRA.
Nirebisa ang 34-taon na CPR upang maging responsive, moderno at relevant ito na gabay sa tamang pagkilos at pag-uugali ng mga abogado.
Isa sa mga idinagdag sa CPRA ay ang mga probisyon ukol sa responsableng paggamit sa social media ng legal professionals.
Sa ilalim ng Canon II, Section 38 ng CPRA, ipinagbabawal sa mga abogado na mag-post online ng mga peke at hindi beripikadong mga impormasyon o mga pahayag.
Batay naman sa Canon II, Section 39, bawal din na gumawa ng mga fake accounts sa social media ang mga abogado para itago ang kanilang pagkakakilanlan upang mapa-ikutan ang mga batas.
Alinsunod din sa Canon II, Section 42, hindi puwede sa isang abogado na impluwensiyahan ang opisyal ng korte, tribunal o ibang ahensya ng pamahalaan sa pamamagitan ng social media.
Sa kaniyang talumpati, sinabini Chief Justice Gesmundo na mahalaga na matiyak na mapanatili ang dignidad ng legal profession sa online presence ng mga abogado kaya isinamasa CPRA ang paggamit sa social media.
Ayon pa kay Gesmundo, ang CPRA ay bahagi ng mas malaking kampanya para sa ethical responsibility.
Kasama sa dumalo sa pagtitipon at kasama sa lumagda sa Manifesto of Commitment to Ethical Responsibility sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Crispin Remulla at Solicitor General Menardo Guevarra.
Una rito ay nagdaosang SC ng mga seryeng Ethics Caravan mula Setyembre2022 hanggang Enero 2023 para konsultahin ang mahigit 2,000 legal practitioners sa ginawa ng pagrebisa sa CPR.
Moira Encina