Mga abusadong pulis dapat sinibak sa halip na ipatapon sa Marawi City

Binatikos ng ilang Senador ang tila pagbibigay pa ng proteksyon ng PNP sa mga abusasong tauhan nito.

Kinukwestyon ni Senador Bam Aquino kung bakit hindi sinibak ang dalawang tauhan ng Mandaluyong PNP na nakunang nang-aabuso sa halip ay ipinatapon lang sa Marawi City.

Nauna nang umalma si Defense Sec. Delfin Lorenzana sa ginawa ng PNP dahil magiging pabigat lang ang dalawang police scalawags sa kanilang commanders.

Ayon kay Aquino, hindi tamang nagpapadala ng mga abusadong pulis, lalung lalo na sa Mindanao kung saan may Martial Law at banta ng terorismo.

Napakahalaga na may tiwala ang tao sa pulis, lalung lalo na sa Mindanao.

Umalma rin si Senador Sherwin Gatchalian dahil ang tulad aniya nina PO1 Jose Julius Tandog at PO1 Chito Enriquez ay isa nang cancer sa lipunan.

Ang cancer aniya kapag inilipat sa ibang bahagi ng katawan, kakalat rin ito at maghahasik ng nakamamatay na mikrobyo.

Kailangan aniya itong gamutin at tanggalin para hindi na makapaminsala.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *